Davao City, Philippines – Hindi maaring tawaging “Mini Dictator” si Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio matapos magpatupad ng mga guidlines sa mga tao sa Davao, matapos ang pagsasailalim ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang naging reaction ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, matapos tawagin ng mga rebeldeng npa, ang mayor na mini dictator dahil sa kanyang mga polisiya na ipinatutupad.
Ayon sa bise alkalde, ginagawa lang ng mayor ang kanyang tungkulin upang mabigyan nang kaligtasan ang mga dabawenyo laban sa mga terorista at rebeldeng grupo.
Samantala, ayos lang na tawaging mini dictator si Mayor Inday, basta lang kaligtasan ng taong bayan.
Ito rin ang naging reaction ni davao City 1st District Councilor Nilo Abellera Jr., Chairman Committee on Peace and Order ng konseho ng Davao.
DZXL558, *Bernard Pantalleon*