Davao City, Philippines – Muling binanatan ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio si Senadora Risa Hontiveros hinggil sa binitawang maanghang na kritisismo ng mambabatas laban sa ina ng lungsod ng Davao.
Hindi nagustuhan ni Mayor Inday Sarah ang paghahambing sa kanya kay Late President Ferdinand Marcos Sr., kung saan binatikos si Hontiveros dahil sa maling depinisyon nito sa rebelyon, sabay hamon na mag-world war sila.
Ang depinisyon ni Hontiveros sa rebelyon ay maituturing daw na isang senyales ng kanilang kampo upang pakilusin ang Department of Justice, at inakusahan pa ng mayor ang mambabatas na tila naging tagapagsalita na ng teroristang Maute Group.
Aniya, mas makakabuti kung ang DOJ ang magbigay ng tamang kahulugan hingil sa rebelyon, hindi magmula sa isang senadora na hindi naman isang abogada para maiwasan daw ang mga haka-haka na baka isa na naman itong paraan sa panggulo sa gobyerno.
DZXL558, Joel Viray