MANILA – Nanguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia at ng ABS-CBN.Isinagawa ang survey Noong April 12-17 na nilahukan ng apat na libong respondents.Nakakuha ng 34 percent si Duterte na sinundan ng 22 percent ni Senator Grace Poe.Halos dikit naman sina Vice President Jejomar Binay with 19 percent at ang Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na nakakuha naman ng 18 percent habang nasa ika-limang pwesto si senator miriam santiago na mayroong 2 percent.Hindi umano sakop ng Pulse Asia Survey period ang ‘rape mark’ ni Duterte.Samantala, nananatili namang number 1 sa hanay ng Vice Presidentiables Si Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 29 percent.Sinundan ito ni Cong. Leni Robredo na mayroong 23 percent, Senador Chiz Escudero, 20 percent, Sen. Alan Peter Cayetano, 16 percent, Sen. Gringo Honasan, 4 percent at panghuli si Sen. Antonio Trillanes Na nakakuha ng 3 percent.
Davao City Mayor Rodrigo Duterte At Senador Bongbong Marcos – Muling Nanguna Sa Pinakabagong Survey Ng Pulse Asia
Facebook Comments