MANILA – Nanguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kinomisyon ng Abs-Cbn kung saan sakop na dito ang rape comment ng alkalde.Nakakuha ang Davao Mayor ng 33 percent rating at lumamang ng 11 points kay Sen. Grace Poe na may 22 percent na statistically tied naman kay Dating Interior Sec. Mar Roxas II na may 20 percent.Nasa ika-apat na pwesto naman si Vice President Jejomar Binay na may 18 percent habang si Senator Miriam Defensor Santiago ay nanatili sa two percent.Samantala, sa pagka-bise presidente, napanatili ni Sen. Bongbong Marcos ang pangunguna na mayroong 31 percent.Pumangalawa si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na naka-26 points.Nasa ikatlong pwesto naman si Independent Candidate Sen. Francis Escudero na naka-18 percent habang si Sen. Alan Peter Cayetano ay nakakuha ng 15 percent.Nasa ika-limang pwesto naman si Sen. Antonio Trillanes na may three percent at panghuli si Sen. Gregorio Honasan II na mayroong two percent.Ang survey ay isinagawa noong Abril 19 hanggang 24 sa presidentiables at Abril 17 hanggang 24 sa vice presidential sa may 4,000 rehistradong botante na mayroong margin of error na plus-minus 1.5 percent.Sa isinagawang survey nasa limang pursiyento pa rin ng mga botante ang nananatiling undecided.
Davao City Mayor Rodrigo Duterte At Senador Bongong Marcos – Muling Nanguna Sa Panibagong Pulse Asia Survey
Facebook Comments