Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Bibisita Kay Pope Francis Para Personal Na Humingi Ng Tawad

16

MANILA – Kinumpirma ng kampo ni President-Elect Mayor Rodrigo Duterte na bibisitahin ng alkalde si Pope Francis.Ayon kay Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte, nais bisitahin ni Duterte ang Santo Papa upang personal na humingi ng paumanhin hinggil sa “joke” nito at pagmumura kay Pope Francis.Sa ngayon, hinahanapan pa aniya nila ng paaran upan makausap mismo ni Duterte ang Santo Papa kung saan ay nais nitong magpaliwanag sa kanyang mga nasabi.Una nang nagsulat ang alkalde kay Pope Francis para humingi ng tawad na at sinagot naman ng Pontiff sa pamamagitan rin ng isang liham.

Facebook Comments