Davao City Mayor Rodrigo Duterte – Kumasa Na Sa Hamong Buksan Ang Kaniyang Bank Account Sa Bpi Julia Vargas Branch Sa Lu

10

MANILA – Kumasa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hamon ni Sen. Antonio Trillanes na buksan ang kaniyang bank account sa Bank of the Phillippine Island o BPI Julia Vargas Branch Sa Pasig City.Ayon kay Duterte, inatasan na niya ang kanyang legal counsel na si Atty. Salvador Panelo na buksan ito gayundin ang BPI.Subalit hindi aniya siya makakasama sa pagbubukas nito dahil matagal nang kasado ang kaniyang may kampaniya siya Pagadian City at Zamboanga.Giit ni Duterte, kampante siyang walang makikitang malaking halaga sa joint bank account nila ng kaniyang anak na si Inday Sara.Wala rin aniya siyang ill gotten wealth gaya ng sinasabi ni Trillanes at kung lumaki man aniya ang laman ng nasabing bank account ay dahil na rin sa kaniyang mga kaibigan.Itinanggi naman ng Alkalde na mayroon siyang bank account sa BPI Edsa Greenhills at BDO Unibank Davao.Hindi naman sinagot ng alkalde kung inideklara niya ang naturang bank account sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SLAN.

Facebook Comments