Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Muling Nanguna Sa Latest Presidentiable Survey Ng Pulse Asia At Sws

8

Nanguna pa rin si Mayor Rodrigo Duterte sa latest presidential survey ng Pulse Asia.Sa isinagawang survey nitong April 12 hanggang 17 – nakakuha si Duterte ang 34 percent habang pumapangalawa si Sen. Grace Poe na may 22 percent.Halos tabla naman sina Vice President Jejomar Binay at dating DILG Secretary Mar Roxas sa pangatlo at pang-apat na pwesto na may 19 at 18 percent.MANILA – Nanatili sa last spot si Sen. Miriam Defensor santiago kung saan dalawang puntos lang ang nakuha nito.Ang nasabing survey ay kinomisyon ng ABS-CBN na isinagawa sa halos apat na libong respondents.Samantala, nanguna rin sa survey ng Social Weather Stations si Duterte sa kabila ng kontrobersyal na rape joke.Sa survey na isinagawa noong April 18 hanggang 20, nakakuha si duterte ng 33 percent, sumunod si Senator Poe na may 24 percent.Naungusan naman ni Roxas sa ikatlong puwesto si Binay sa kanyang 19 percent rating habang si binay ay nakakuha 14 percent.Nasa ikalimang puwesto naman si Senator Santiago na may 2 percent.Ang survey ay kinomisyon ng pahayagang Business World sa may 1,800 na respondents.

Facebook Comments