MANILA – Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong presidential survey ng pulse asia.Sa isinagawang ang survey noong Abril 26 hanggang 29 – nakakuha ng 33-percent si Duterte, habang umangat at pumangalawa naman si Liberal Party Presidential bet Mar Roxas na may 22-percent.Bumaba sa ikatlong pwesto si Senador Grace Poe na may 21-percent na sinundan ni Vice Presidente Jejomar Binay na may 17-percent habang nanatili pa rin sa 2-percent ang nakuhang rating ni Senator Miriam Defensor-Santiago.Sa Vice Presidential pre-election survey naman ay nanguna na si Congresswoman Leni Robredo na may 30-percent kung saan naungusan na nito si Senador Bongbong Marcos na bumaba sa ikalawang pwesto na may 28-percent.Sumunod si Senador Francis Escudero na may 18-percent, kasunod si Senador Alan Peter Cayetano na may 15-percent.Nasa 3-percent naman ang nakuha ni Senador Gringo Honasan habang nasa huling pwesto si Senador Antonio Trillanes na may 2-percent.Ang nasabing survey ay kinomisyon ng ABS-CBN na isinagawa sa halos apat na libong respondents sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Nangunguna Pa Rin Sa Presidential Survey Ng Pulse Asia Habang Cong. Leni Robredo – Num
Facebook Comments