Nanguna sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senate President Tito Sotto para survey sa dalawang pinakamataas na posisyon sa 2022 national elections.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 20% ng mga Pilipino ang nagsabing iboboto nila si Mayor Sara.
Bagama’t nangunguna, bumaba naman ang porsyento mula sa 28% ng nakuha ng alkalde sa kaparehong survey nitong Hunyo.
Sumunod naman kay Mayor Sara para sa survey sa pagkapangulo sina; dating Senador at vice presidential candidate Bongbong Marcos (15%); Manila Mayor Isko Moreno (13%); Senator Manny Pacquiao (12%); Senator Grace Poe (9%) at panghuli si Vice President Leni Robredo (8%).
Sa pagkabise presidente naman ay nanguna si Senator Sotto na may 25% na sinundan ni Pangulong Rodrigo Duterte (14%).
Isinagawa ang survey nitong September 6 hanggang 11 kung saan 20% ng mga Pilipino ang lumahok.