Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, iginiit na malayang umikot si Pangulong Duterte sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na maaaring bisitahin ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t-ibang bahagi ng bansa sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Binanggit ng alkalde ang guidelines na inisyu ng Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan pinapayagan ang mga galaw o biyahe ng mga government official at frontline personnel sa iba’t-ibang bahagi ng bansa anuman ang umiiral na community quarantine sa lugar.

Binigyang diin ni Mayor Sara na si Pangulong Duterte ang top frontliner sa bansa kaya pwede niyang ikutin at alamin ang sitwasyon sa iba’t-ibang lugar.


Nitong Sabado, nakauwi si Pangulong Duterte sa kanyang hometown sa Davao City para makasama ang kanyang pamilya matapos ang higit dalawang buwang hindi nakauwi dahil sa lockdown.

Ngayong Araw, inaasahang dadaluhan ng Pangulo ang meeting kasama ang IATF.

Facebook Comments