Tuluyan nang inalis ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang posibleng pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 election.
Sa facebook ni Mayor Sara, sinabi nito na tatapusin muna niya ang kaniyang huling termino sa pagka-alkalde sa Davao City bago tumakbo sa mataas na posisyon.
Masakit din sa kaniyang damdamin na magpaubaya sa mga kaibigan dahil hindi niya maibigay ang kagustuhan ng mga ito.
Bagama’t din marami ang nasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa ay maaari namang magtulungan ang lahat para sa bayan.
Iginiit din ni Mayor Sara na hindi kailangan ng posisyon ng Pangulo upang makatulong dahil maaari naman itong gawin kasabay ng pagtulong sa kapwa.
Matatandaang batay sa mga nakaraang survey, nangunguna si Mayor Sara sa pagkapangulo na una nang ini-atras ang kagustuhang tumakbo matapos ihayag ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura sa bise-presidente, na ipinasa naman kay Senator Christopher Bong Go.