Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa sakit na COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan, ang presidential daughter ay kasalukuyang naka-isolate na kung saan nakakaranas lamang ng mild symptoms.

Humiling ang pamilya nito na respetuhin ang mga oras na nagpapagaling ang lady mayor at hinihikayat na iwasang magpadala ng anumang well wishes gift.


Inabisuhan din ang mga naging close contact ni Mayor Sara na sumailalim sa 14 araw na self-monitor kung may nararamadamang sintomas at magpa-swab test matapos ang lima hanggang pitong araw.

Hindi inihayag ng tanggpan kung naging close contact ng Davao mayor ang kaniyang tatay na si Presidente Rodrigo Duterte sa nakalipas na dalawang linggo.

Facebook Comments