Wala nang balak pang tumakbo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ito ay kasunod ng pagtanggap ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon bilang vice presidential candidate ng PDP-Laban.
Ayon sa alkalde, una na silang nagkasundo ng kaniyang ama na isa lamang ang tatakbo sa kanilang dalawa sa national position.
Nagpasalamat naman si Mayor Sara sa kaniyang supporters na naniniwala sa kakayanan niya na maging susunod na pangulo.
Bago nito, ilang national party na rin ang nanliligaw sa kaniya na tumakbo sa gitna na rin ng natatamasang pangunguna sa presidential election surveys.
Samantala, itinanggi naman ng alkalde na gagawin niya ang last minute na pagiging substitute candidate katulad ng ginawa ni Pangulong Duterte noong 2015.