Nakuha ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte ang pinakamalaking pag-angat sa ikatlong survey ng Radio Mindanao Network – Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE) na isinagawa noong Marso 2 hanggang Marso 5.
Ito ay matapos na makakuha ang alkalde ng 53% na score na mas mataas ng 8% kumpara sa ikalawang survey na isinagawa noong Enero 26 hanggang Enero 30.
Sinundan naman si Duterte ni Senate President Tito Sotto III na may 19%, Senator Francis Pangilinan na may 12% at Doc Willie Ong na may 5.4%.
Sa kabila nito, bumaba si Sotto ng 7% kumpara sa ikalawang survey ng RMN-APCORE.
Habang nasa 1% pababa ang nakuha ng mga nalalabing kandidato sa pagkabise presidente.
Facebook Comments