Davao City Mayor Sara Duterte, tiyak na mananalo kapag tumakbo sa Presidential Elections, Malacañan

Mataas ang tiyansang mananalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kapag tumakbo siya sa pagkapangulo.

Ito ang pahayag ng Malacañan matapos sabihin ni Pastor Apollo Quiboloy na pinili ng diyos si Mayor Duterte na sundan ang kanyang ama.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagamat tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagtakbo ng anak sa 2022 Presidential Elections, nakikita niya kay Mayor Inday ang pagiging competent at effective na maging susunod na pinuno ng bansa.


Tungkol sa pahayag ni Quiboloy, sinabi ni Panelo na lahat ng tao ay may kanya-kanyang pananaw sa usapin.

Una nang sinabi ni Mayor Inday Sar na hihingi siya ng gabay mula sa panginoon kung tatakbo sa susunopd na Presidential Elections.

Facebook Comments