No comment si Davao City Mayor Sara Duterte sa pahayag ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte na ang tambalang Sara at Senator Christopher “Bong” Go ang magiging tandem sa darating na 2022 election.
Sinabi ito ng pangulo kasabay ng pag-anunsiyo nitong sabado na hindi na siya tatakbong bise presidente sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at magreretiro na sa politika.
Matatandaang nitong Sabado ay una nang naghain Si Mayor Sara ng Certificate of Candidacy para sa re-election nito sa Davao city.
Umaasa naman ang grupong Hukbong para kay Sara na magbabago ang desisyon ng alkalde para sa eleksiyon.
Facebook Comments