Davao City, nananatiling high risk para sa COVID-19 – OCTA Research

Patuloy na nakakapagtala ang Davao City ng pinakamaraming bilang ng COVID-19 cases kada araw sa buong bansa.

Sa datos ng OCTA Research, ang Davao City ay may average na 303 cases per day mula nitong June 29 hanggang July 5.

Ibig sabihin nito, nananatiling nasa “high risk” ang lungsod para sa COVID-19.


Ang iba pang high risk areas ay ang Bacolod City, Iloilo City, General Santos City, Baguio City, at Tagum City.

Paliwanag ng OCTA Research, ang risk level sa isang lugar ay ina-assess sa pamamagitan ng COVID Act Now na dinevelop ng Harvard Global Health Institute, Apple, Microsoft, at Bloomberg.

Facebook Comments