Davao City Rep. Paolo Duterte, umalma na sa paggamit sa kanyang pangalan sa isyu ng speakership

Pumalag na si Davao City Rep. Paolo Duterte sa kanyang mga kasamahan sa Kamara sa paggamit sa kanyang pangalan sa isyu ng speakership race.

 

Tahasang sinabi ng batang Duterte na ilabas siya sa aniya’y bastos, marumi, mapanghamak at nakawawalang respeto na uri ng pulitika.

 

Iginiit nito na kaibigan niya ang mga nandadamay sa kanyang pangalan pero ipinaalala nito na may limitasyon ang nasabing pagkakaibigan.


 

Bagamat walang direktang pinatutungkulan, iginiit nito na hindi lisensya ang pagiging magkaibigan nila upang gamitin sa paninira sa asawa ng kanilang kalaban sa labanan sa pagkaSpeaker.

 

Aminado ito na baguhan lamang siya bilang mambabatas kaya hinikayat ni Paolo ang mga kasamaha na maging gabay ang mga nangyayari ngayon sa pagpili ng kanilang iluluklok na Speaker.

Facebook Comments