DAVAO CITY – Mariing itinanggi ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na siya ay gumagamit ng iligal na droga at mastermined sa ilang vigilante kilings.Ayon sa batang Duterte, pawang alegasyon at sabi-sabi lamang ang mga ikinakabit sa kanyang pangalan.Sapagkat wala naman daw maipakitang pruweba laban sa kanya na magpapatunay na siya ay gumagamit ng iligal na droga o naging mastermind sa mga pagpatay.Sa pagdinig ng Senado sa Extra Judicial Killings sa bansa, ibinunyag ng umano’y hitman ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, na ipinag-utos daw ni Duterte ang pagpatay sa bilyonaryo ng Cebu na si Richard King noong 2014.May mga kaibingan din daw ang batang Duterte na mga chinese drug lord.Paratang pa nito na bata pa lang daw si Paolo ay gumagamit na ito ng iligal na droga na kung minsan daw ay nagwawala pa ito kapag nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.Pero, agad na itong inalmahan ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagsasabing kamakailan lamang ay nagpadrug test ang buong lokal na pamahalaan ng davao, at lahat ay nagnegatibo ang resulta kasama ang batang Duterte.
Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, Itinanggi Na Gumagamit Ito Ng Droga
Facebook Comments