Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, kinondena ang pag-atake ng NPA sa PSG

Davao, Philippines – Kinondena ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang ginawang pag-atake ng grupong New People’s Army (NPA) sa limang myembro ng Presidential Security Group (PSG) kaninang umaga sa may Arakan Valley, North Cotabato.

Sa opisyal na pamahayag ni Vice-Mayor Duterte, sinabi nito na ang pag-atake ng mga NPA ay nagpapakita lang na hindi sinsero ang mga NPA sa peace talk sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.

Ayon kay Duterte, ipinakita lang ng mga npa na isa silang oportunistang grupo na gusto lang maghasik ng kaguluhan at pumatay ng mga tao, kung saan ginagamit lang ng mga npa ang isyu ng kahirapan para mag rebelde sa gobyerno.


Dagdag ng bise-mayor, nakipagkita pa ang mismong mga lider ng mga aktibistang grupo sa PILIPINAS kay Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañang pero ngayon, ay inatake nila ang PSG.

Facebook Comments