Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, posibleng ipatawag sa pagdinig ng Kamara tungkol sa suhulan sa Customs

Manila, Philippines – Posibleng ipatawag ng Kamara si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa imbestigasyon ng Kamara matapos na idawit ni Customs Broker Mark Taguba sa suhulan sa Bureau of Customs kaugnay pa rin sa imbestigasyon ng 6.4 Billion na halaga ng shabu na pinalusot ng ahensya.

Ayon kay House and Ways Committee Chairman Dakila Cua, kapag inulit pa ni Taguba sa pagdinig bukas ang alegasyon nito kaugnay ng Davao group na nag-o-operate sa BOC ay bubuksan nila ang pagdinig para sa Bise Alkalde.

Si Vice Mayor Duterte ang umano’y pinangalanan na nasa likod ng Davao group na humihingi ng “tara” kay Taguba.


Sinabi ni Taguba na ito ang dahilan kaya malaki ang hinihinging “tara” ng isang ‘tita Nani’ sa Imports and Assessment Services o IAS dahil sa Davao group.

Pero, kumambyo din naman si Taguba sa pagsasabing naniniwala siyang tsismis lamang ito at posibleng nagagamit lamang si Vice Mayor dahil hindi pa daw niya nakikita ito.

Dadag ni Cua, dahil sa iba pang rebelasyon na ito ni Taguba kaya kailangan pa nilang makuwestyon ito bukas sa imbestigasyon ng Ways and Means Committee sa Kamara.

Sa 27,000 na suhol sa bawat container na pinalulusot ni Taguba sa Customs, 10,000 dito ay napupunta sa IAS.

Facebook Comments