Davao de Oro, isinailalim na sa state of calamity

Nagdeklara na ang Sangguniang Panlalawigan ng Davao de Oro ng state of calamity kasunod ng pinsalang idinulot ng low pressure area (LPA) sa mga ari-arian at sa agrikultura.

Batay sa Resolution No. 1813-2022, nagdeklara ang Sangguniang Panlalawigan ng state of calamity para mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga naapektuhang komunidad.

Base sa isiyal na assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council’s Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (PDRRMC-RDANA), matinding napinsala ng LPA ang mga kabahayan, imprastraktura, kabuhayan, pananim, agricultural products at linya ng kuryente sa probinsya.


Gayunman, hindi naman nakasaad sa resolusyon ang halaga ng pinsala na idinulot ng LPA.

Facebook Comments