Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, hihingi ng suporta kay Mayor Sara Duterte

707

Susubukan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na kunin ang suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte  para sa planong pagtakbo muli bilang Speaker ng 18th Congress.

 

Sinabi ni Alvarez, na gagawin niya ang kanyang makakaya para makuha ang suporta ni Mayor Sarah.


 

Matatandaan na napatalsik  bilang Speaker ang kongresista noong  Hulyo 23,2018  na mismong araw ng SONA ni pangulong Duterte  at palitan siya ni Pampanga Rep. at ngayon ay Speaker Gloria Arroyo.

 

Sinasabing si Sarah Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Alvarez at pagluluklok kay Arroyo bilang speaker.

 

Tiwala naman ang kongresista na makukuha pa rin niya ang suporta ng kanyang mga kasamang kongresista sa kabila ng inaasahang makakalaban niya sa speakership sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Facebook Comments

From Advertisers