Davao Del Sur – Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Del Sur, ala 1:31 kaninang madaling araw.
Naitala ang sentro ng lindol 27 kilometers north ng bayan ng Santa Cruz.
Tectonic ang origin nito na may lalim na 5 kilometers.
Naramdaman naman ang intensity IV sa Santa Cruz, Davao Del Sur; Davao City at Hagonoy, Davao Del Sur.
Habang intensity III sa sulop, Davao Del Sur at intensity Ii sa Digos City.
Wala namang naitalang pinsala ang lindol at wala ring inaasahang mga aftershock.
Facebook Comments