You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Davao Del Sur, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Tumama ang isang Magnitude 5.0 na lindol sa Kiblawan, Davao del Sur.

Nangyari ito alas-1:44 ng umaga, na may lalim na 18 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang Intensity 3 na lindol sa Koronadal City, Bansalan at Magsaysay, Davao del Sur.

Nasa Intensity 2 naman sa Kidapawan City at General Santos.

Wala namang inaasahang pinsala pero posible ang aftershocks.

Facebook Comments