Davao Del Sur, niyanig ng magnitude 6.9 na Lindol

Niyanig ng Magnitude 6.9 na Lindol ang Davao Del Sur, kahapon ng hapon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, naitala ang pagyanig alas-2:11 ng hapon at natunton ang episentro nito siyam na Kilometro kanluran ng bayan ng matanao.

May lalim ang Lindol na tatlong Kilometro.


Naramdaman ang intensity 7 na pagyanig sa Matanao at Magsaysay, Davao Del Sur.

Intensity 6 naman sa Kidapawan City, General Santos City, Bansalan Davao Del Sur, Alabel at Malapatan sa Sarangani at Koronadal City.

Intensity 5 naman sa tulunan at Matalam, Cotabato, sa Cotabato City, Davao City, bayan ng GLAN SA Sarangani.

Ramdam naman ang intensity 3 Kalilangan, Talakag, at Dangcagan sa Bukidnon.

Ang bayan ng Impasug-Ong sa Bukidnon, Cagayan De Oro City at Dipolog Ciy at nakaramdam ng intensity 2.

Intensity 1 sa Zamboanga Del Sur.

Mula nitong Oktubre, patuloy na nakakaranas ang Mindanao ng mga Lindol, partikular ang Magnitude 6.3 na Lindol nitong October 16, Magnitude 6.6 noong October 29, at Magnitude 6.5 na Lindol noong October 31.

Mula noong November 3, ang pinagsamang tala ng mga nasawi sa tatlong October Earthquakes ay umabot sa 22, sa datos ito ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).

Facebook Comments