Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

48

Niyanig ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental ng magnitude 5.7 na lindol dakong alas-6:22 kagabi.

Ito ay may lalim na 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang Intensity 4 sa General Santos City; Malungon at Kiamba sa Sarangani, Intensity 3 sa Kidapawan City; Koronadal City habang Intensity 2 sa Davao City at Intensity 1 sa Zamboanga City


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), malabong magkaroon ng pinsala sa imprasktratura, ngunit asahan na ang mga aftershocks dahil sa lindol.

Facebook Comments