Davao Oriental, isasailalim sa mas mahigpit na quaranitine status simula Setyembre 8

Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang probinsya ng Davao Oriental.

Magsisimula ito sa Setyembre 8 at inaasahang matatapos sa Setyembre 21.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ‘alarming’ na ang naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsya.


Sa ilalim ng ECQ, sisimulan ang curfew hours sa ganap na alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Habang 3 araw lamang din papayagan ang pakikipaglamay at 24 oras naman ang pagpapatupad ng liquor ban at strict border control para mapigilan ang mga non-essential travels.

Facebook Comments