Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Baganga, Davao Oriental pasado alas-8:33 kaninang umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang episentro ng lindol sa 15 kilometers silangan ng Banganga.

May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang origin.


Naramdaman ang Instrumental Intensity 1 sa lungsod ng Bislig, Surigao Del Sur.

Wala namang nasaktan o nasugatan at wala ring naitalang danyos sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks dahil sa lindol.

Facebook Comments