Niyanig ng Magnitude 4.0 na lindol kaninang alas-10:11 ng umaga ang Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa munisipalidad ng Governor Generoso kung saan may lalim itong 79 kilometers.
Nabatid na isang uri ng tectonic earthquake ang nangyaring pagyanig.
Una nang sinabi ng Philvocs na umabot ng magnitude 5.0 ang lakas ng pagyanig.
Tiniyak naman ng Philvocs na wala namang inaasahang damage mula sa nasabing lindol pero asahan pa rin ang ilang aftershocks.
Facebook Comments