Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Davao Oriental kagabi.
Tectonic ang pinagmulan at nangyari 75 kilometro timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso
Ang lindol ay may lalim na 76 kilometers at nangyari sa dagat.
Ayon sa Phivolcs naitala ang intensity 5 sa Mati City.
Intensity 4 naman sa Alabel at Kiamba, Sarangani
Intensity 3 sa Kidapawan City
Intensity 2 sa Bislig City
Intensity 1 sa Cagayan de Oro City
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum – wala namang inaasahang pinsala pero magdudulot ito ng aftershocks.
Nilinaw din ng Phivolcs na hindi rin magdudulot ng tsunami ang nasabing lindol.
Facebook Comments