Davao region, ligtas na sa tsunami kausnod ng pagtama ng magntude 7.1 na lindol

Davao – Ligtas na sa tsunami ang Davao region kasunod ng tumamang magnitude 7.1 na lindol sa rehiyon.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD)-11, inalis na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami advisory sa lugar, ibig sabihin, maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente.

Wala namang naitalang nasaktang residente at napinsalang mga imprastraktura sa mga niyanig na lugar.


Gayunman, pinapayuhan pa rin ang publiko na maging handa sa posibleng aftershocks.

Patuloy din namang minimonitor ng Davao Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga coastal barangays.

Facebook Comments