Davao Region, niyanig ng dalawang magkasunod na lindol

Dakong alas-6:37 ngayong umaga ng yanigin ng magnitude 4 .2 na lindol ang Silangang bahagi ng New Bataan Davao de Oro.

Sa report na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), technonic ang origin ng lindol na natukoy sa lalim isang kilometro.

Dahil sa mababaw lamang ang pinagmulan ng lindol, nakaramdam ng instrumental intensity 4 ang bayan ng Nabunturan, Davao de Oro.


Sabi ng PHILVOCS, wala namang inaasahang pinsala ang lindol at wala na ring inaasahan pang aftershocks.

Bago rito, alas-4:00 kaninang madling araw nang yanigin din ng 4.8 magnitude na lindol ang Silangang bahagi ng Balut Island sa Munisipyo ng Saranggani, Davao Occidental kung saan ay tectonic din ang origin ng lindol na natukoy naman sa lalim na 96 kilometro gaya ng lindol sa Davao de Oro wala ring pinsala ang naramdamang pagyanig sa Davo Occidental.

Facebook Comments