David Foster, Katherine McPhee, nagkaroon ng “private concert” sa bahay ni Dra. Vicki Belo

“Dream come true.”

Ganito inilarawan ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang pagtugtog ng legendary musician at producer na si David Foster ng piano sa kanyang tahanan sa Makati.

Kasama nito sa “private concert” ang kanyang asawang singer-songwriter na si Katherine McPhee-Foster.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Belo ang mga larawan ng 16-time Grammy winning composer na tumutugtog ng piano habang kumakanta si McPhee ng cover nito ng awiting “Smile” ni Nat King Cole at kanyang 2010 hit single na “Terrified.”

Si Foster at McPhee ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang concert series sa The Theatre at Solaire na nagsimula noong March 21 hanggang ngayong araw, March 26.

Special guests din sa kanilang concert sina America’s Got Talent alumnus Daniel Emmet, American Idol alumna Pia Toscano gayundin sina Concert King Martin Nievera at Asia’s Phoenix Morissette Amon.

Facebook Comments