Day of Prayer, isasagawa ng Archdiocese of Manila sa Mayo 8 para sa mga nasawi dahil sa COVID-19

Magtitipon ang kaparian ng Archdiocese of Manila sa darating na Mayo 8 para sa gaganaping Day of Prayer.

Sa inilabas na liham pastoral ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, gaganapin ang misa alas-9 ng umaga sa Manila Cathedral.

Ayon kay Bishop Pabillo, kaisa sila sa pagluluksa sa mga pilipinong binawian ng buhay dahil sa COVID-19 na aabot na ngayon sa 16,370 indibidwal.


Kasunod nito, iminungkahi ng Obispo na maglagay ng mga litrato ng mga nasawi dahil sa virus sa nakalipas na isang taon sa mga parokya bilang paalala na ipanalangin ang kanilang mga kaluluwa.

Bukod sa day of prayer, magkakaroon din ng tribute ang Arkidiyosesis sa ating mga frontliners at mga kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19.

Samantala, mananatili namang sarado ang Manila Cathedral sa publiko dahil sa isinasagawang renovation para sa nalalapit na pagdating ng bagong Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Jose Advincula.

Facebook Comments