DAY OF REJUVENATION NG MGA EMPLEYADO SA ILOCOS SUR, IDINEKLARA

Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang suspensyon ng pasok sa mga opisina ngayong August 22, bilang Day of Rejuvenation ng mga empleyado.

Layunin na mabigyan ng sapat na oras ang mga empleyado upang para makapagpahinga at makapag recharge nang may sapat na sigla sa pagbabalik trabaho.

Magiging kapaki-pakinabang umano ito para sa pagpaplano ng mga programang ipapatupad para sa mga residente.

Magbabalik naman ang normal na operasyon ng tanggapan sa Martes, August 26, matapos ang National Heroes Day. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments