Manila, Philippines – Nakikiisa ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng respesto at parangal sa mga Pilipinong beteranong nagbuwis ng buhay upang magkaroon ng kapayapaan na ngayon ay tinatamasa ng mga Pilipino.
Ito ay kaugnay sa paggunita ng ika-76 na taong paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao, nararapat lamang na magbigay ng respeto sa mga beteranong ibinuwis ang kanilang buhay noong panahon ng world war.
Dahil aniya sa mga dumanak na dugo noon ay namumuhay na mapayapa ang mga Pilipino ngayon.
Facebook Comments