Manila, Philippines – Ayaw nang pakialaman ng Palasyo ng Malacañang ang Privilege Speech ni Senador Tito Sotto kung saan ibinunyag nito ang kwestiyonableng transmission ng boto bago pa man ang halalan noong Presidential Elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, Commission on Elections o COMELEC ang may hurisdiksyon sa mga usapin ng eleksyon.
Paliwanag ni Roque, exclusive mandate ng COMELEC na gawing credible at tahimik ang halalan kaya hahayaan nalang nila ang COMELEC na tumugon sa isiniwalat na impormasyon ni Sotto.
Pero umaasa pa naman si Roque na maiimbestigahan ang nasabing issue.
Sinabi din naman ni Roque na hihintayin lang nila kung bubuo si Pangulong Duterte ng isang hiwalay na investigative body para siyasatin ang lumutang na kontrobersiya.
Magkagayunman, umaasa rin si Roque na sana ay maimbestigahan ito.
Hintayin na lamang din aniya kung bubuo si pangulong Rodrigo Duterte ng isang hiwalay na investigative body para siyasatin ang nabunyag na dayaan umano sa eleksyon.