DAYAAN SA 2016 PRESIDENTIAL ELECTIONS | Mga ebidensya, isiniwalat ni Senador Sotto

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng isang privilege speech ay ipinrisinta ni Senate Majority Leader Tito Sotto III sa plenaryo ng Senado ang ibinigay ng kanyang source na ebidensya ng dayaan noong Automated 2016 Presidential Elections.

Sa kanyang PowerPoint presentation, ay unang ipinakita ni Senador Sotto na nagkaroon na ng maagang transmission of votes noong may 8 bago pa mag-convene ang Board of Canvassers noong alas-tres ng hapon noong May 9, 2016.

Ang nasabing maagang transmission of votes ay gumagamit sa IP address na nakakonekta sa Consolidated-Canvassing System o CCS ng munisipalidad ng Libon, Albay at munisipalidad ng Angono, Rizal.


Sabi ni Sotto, hindi maaaring ikatwiran ng Smartmatic na ang maagang transmission of votes ay testing lang dahil ang sa record ang huling transmission testing ay April 23, 2016 ginawa.
Ikalawa, ay ipinakita din ni Senador Sotto ang pagkakaroon ng foreign access sa ating election server.

Base sa ebidensya ni Sotto, ang nabanggit na server sa amazonaws.com na may username e360 ay isang cloud computing service na naka-base sa Estados Unidos.

Sa interpellation period ay sinabi ni Sotto, lumalabas din sa mga ebidensyang ipinakita sa kanya na may mga kandidato noon tulad nina Senador Panfilo Ping Lacson, Grace Poe, Joel Villanueva, Migz Zubiri at dating MMDA Chairman Francis Tolentino at iba pa ang naging zero sa transmission ng boto sa daan-daang presinto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Binanggit pa ni Sotto, na posibleng kung walang dayaang naganap ay mas marami pa ang boto na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito ay isinulong ni Senador Sotto na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil dito ang Senado at paharapin ang smartmatic at Commission on Elections.

Facebook Comments