DAYAAN | Vote-buying report sa nakaraang Barangay at SK Elections, ipinaubaya na ng DILG sa COMELEC

Manila, Philippines – Ipinaubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Election (COMELEC) ang pag-aksyon sa sumbong na vote-buying sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, dinagsa kahapon ang tanggapan ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ng mga sumbong galing sa mga concerned citizens.

Kabilang sa mga pormal na naghain ng formal complaint sa DILG ay mula sa lugar ng Paliparan sa Cavite, Camarin, Caloocan City, Barangay Pasong Putik, Quezon City, San Mateo at Taytay pawang ng lalawigan ng Rizal.


Sinabi ni Malaya na nasa disposisyon na ng COMELEC kung anong legal na aksyon at kaukulang imbestigasyon ang gagawin sa sumbong na ilang government officials na nakialam sa katatapos na eleksyon.

Facebook Comments