Dayalogo ng Pilipinas at Kuwait, nagsimula na kasunod ng suspension sa visa para sa mga OFW

Umusad na ang bilateral talks sa Ministry of Foreign Affairs (MoFA) sa Kuwait ng mga kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait.

Kasunod ito ng pagsuspinde ng Kuwait sa pag-iisyu ng bagong visa sa mga Pilipino.

Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga opisyal ng Kuwait na ang pagbibigay proteksyon sa nationals ay tungkulin ng mga consular office sa ilalim ng international law at conventions.


Sinabi ng DFA na nananatiling bukas ang Pilipinas sa dayalogo para matugunan ang mga isyu.

Kabilang sa humarap sa dayalogo ang senior officials mula sa DFA, Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).

Facebook Comments