Pinangunahan ng San Carlos City Police Station ang isang dayalogo sa pagitan ng himpilan at mga aspiring candidates ng nasabing lungsod.
Ito ay upang matututukan ang sitwasyon sa lungsod na may kaugnayan sa nalalapit na Midterm Poll Elections sa darating na May 12, 2025.
Ang naturang inisyatiba ay may layong magkaroon ng bukas at maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga law enforcement agencies at mga political candidates.
Layon din nitong matiyak ang kapayapaan ngayong election period at maiwasan ang anumang election-related incidents or violence.
Iginiit sa naturang pulong ang election guidelines, security measures at best practices sa pagpapanatili ng kaayusan ng lungsod.
Saklaw nito ang naiparating ding mga suhestiyon at opinyon mula sa kumakandidato.
Samantala, tiniyak ng San Carlos City Police Station na pananatilihin ang kapayapaan sa lungsod sa kabila ng hindi pagkakabilang ng lungsod sa areas of concern sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨