Dayalogo sa pagitan ng IBP, PNP at AFP, hiniling

Manila, Philippines – Inihihirit ng Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema ang agaran at independent investigation sa kaso ng lahat na napatay na mga abogado mula June 30, 2016.

Nais din ng grupo na magpatawag ang Supreme Court ng dayalogo kasama ang IBP, PNP, AFP at iba pang stakeholders para talakayin ang kaligtasan ng mga abogado sa buong bansa.

sinimulan ng IBP ang online petition na naglalayong hikayatin ang Supreme Court sa pamamgitan ni Chief Justice Lucas Bersamin na gumawa ng agarang aksyon para protektahan ang mga abogado.


Una na ring kinundena ng IBP ang pagpatay kay Ako Bikol Partylist Rep. Rodel Batocabe na isa ring abogado.

Facebook Comments