Pinaplano na ng Estados Unidos at Pilipinas na magsagawa ng 2-plus-2 meeting kasama ang mga matataas mula sa diplomatic at defense officials sa darating na buwan ng Marso.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, dahil sa work in progress ng naturang plano.
Sinabi ni Romualdez na makakasama sa dayalogo sina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin sa kanilang counterparts na sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro sa Marso.
Samantala, hindi naman binanggit ng Philippine envoy kung ano ang mga magiging agenda ng pinaplanong pagpupulong.
Kung sakali, ito na ang kauna-unahang dayalogo na dito sa Pilipinas gagawin mula ng simulan ang naturang 2-plus-2 meeting noong 2012.