Walang magaganap na dayalogo sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa grupo ng mga manggagawa sa May 1 o Labor Day.
Taliwas ito sa nakagawiang tuwing Labor Day kung saan humaharap ang Pangulo sa mga manggagawa para makinig sa kanilang hinaing.
Ayon kay Associated Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay, wala silang natanggap na imbitasyon mula sa Malacañang para sa isang dayalogo.
Sa kabila nito, tuloy aniya ang kanilang gagawing pagkilos sa Labor Day.
Facebook Comments