Dayalogo sa religious sector, isinagawa ng Valenzuela City Government para sa nakatakdang pagbubukas muli ng mga simbahan

Nagsagawa ng interfaith dialogue ang pamahalaang lokal ng Valenzuela City sa religious sector sa lungsod.

Kaugnay ito sa Resolution No. 51 na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbibigay pahintulot sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) basta limitado lang sa 10% ang seating capacity nito.

Sang-ayon si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa nabanggit na desisyon ng IATF dahil ang spiritual health ng bawat isa ay mahalaga at dapat ding irespeto ang kalayaan na magpunta sa mga simbahan.


Kaugnay nito ay pinagsusumite ni Gatchalian ang mga leader ng simbahan at iba pang religious organization ng liham na nagsasaad ng pangalan ng kanilang simbahan, lokasyon, kapasidad at kanilang pangakong pagsunod ng mahigpit sa patakaran ng IATF.

Tiniyak ni Gatchalian ang mahigpit na pagbabantay sa mga religious activities para masigurong naipapatupad sa lahat ng pagkakataon ang mga health protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments