Cauayan City – Umaapela ang mga Daycare Workers (DCW) ng Tuguegarao City sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na ipagpatuloy ang programang Oplan Tulong sa Barangay, na nagbibigay ng honoraria bilang suporta at pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa mga barangay.
Ipinahayag ng mga Daycare Workers ang kanilang pasasalamat at pag-asa na magpapatuloy ang programa.
Samantala, sinabi ni Rowena Madria ng Atulayan Norte na kahit maraming hamon sa kanilang trabaho, nagiging inspirasyon nila ang pagmamahal at dedikasyon sa serbisyo.
Dagdag pa niya, malaking bagay ang tulong mula kay Governor Manuel Mamba na patuloy na sumusuporta sa mga Daycare Workers.
Maliban sa mga Daycare Workers, tumanggap din ng tulong ang Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Tanod mula sa Tuguegarao City.
Sa parehong araw, namahagi rin ang PGC ng tulong pinansiyal sa mahigit 1,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Gattaran at Lal-lo, katuwang ang iba’t ibang opisina ng probinsya.