
Simula ngayong araw, May 28, bawal na muli ang daytime entry sa pinalawig na anim na kilometrong danger zone ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Regional Task Force Kanlaon, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ay mahigpit na ipagbabawal ang pagpasok sa nasabing lugar para sa pagsasaka at iba pang aktibidad.
Ito’y kasunod na rin ng ulat ng PHIVOLCS na nakapagtala ng 31 volcanic earthquakes sa pagitan ng May 26 at 27.
Bukod dito, umabot sa 1,020 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan na senyales ng posibleng pagsabog.
Dahil dito, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residente sa paligid ng bulkan na maging alerto at sumunod sa abiso ng pamahalaan.
Facebook Comments









