Dayuhan, nakuhanan ng apat na kilong shabu sa Mactan-Cebu International Airport

Arestado sa Mactan-Cebu International Airport ang isang South African national matapos madiskubre na ito ay may dalang apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27 milyon.

Ang naaresto ay sakay ng isang eroplano mula sa Hong Kong patungong Cebu.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sa ginawang profiling ng Customs Anti-drug Interdiction Group o CADIG ay naobserbahan nito ang ang kahina-hinalang ikinikilos ng suspek.

Dahil dito, isinagawa ang masusing pag-inspkesiyon sa kaniyang bagahe at idinaan ito sa X-ray machine.

Ang mga droga ay isinilid sa ilang mga libro at nang ipinaamoy ito sa K9 unit ng PDEA-7, dito na nakumpirma na may dalang kontrabando ang dayuhan.

Kinumpirma ng PDEA-7 na shabu ang nakuha mula sa suspek na ayon naman dito, hindi niya alam na droga pala ang laman ng kaniyang bagahe na kukunin lang umano sana mula sa kaniya pagdating sa Cebu.

Facebook Comments