Dayuhang may-ari ng Angkas pinaiimbestigahan at ipinadedeklarang persona non grata ng isang Senador

Inihain ni Senator Koko Pimentel ang senate resolution number 287 na nagpapadeklarang persona non grata sa singaporean national na si angeline ximen tham.

Si Tham ay sinasabing Presidente at nagmay-ari ng 99.996 percent ng motorcycle taxi company na angkas.

Idiniin ni Pimentel sa kanyang resolusyon na hindi dapat palagpasin at dapat kundenahin ang pinaggagawa ni Tham na bisita lang sa bansa pero umanoy nag-astang oligarch, mayabang, arogante at iresponsable.


Ayon kay Pimentel, nilabag ni tham ang mga batas ng bansa.

Binanggit din ni Pimentel na ipinahiya at binully rin umano ni Tham ang mga ahensya ng gobyerno at mga opisyal nito sa pamamagitan ng social media.

Sabi ni Pimentel, nagkunwar itong may 17,000 riders ng angkas ang mawawalan ng trabaho kapag nilimatahan sa 10,000 ang kanilang motorcycle taxi units at inakusahan pa ang mga kinatawan ng angkas ang ltfrb ng katiwalian.

Facebook Comments